Para sa Pandaigdigang Kilusang Anarkista: Tatlong Panukala

November 15, 2024

EnglishFrenchGreekItalianPortugueseRussianSpanish • Tagalog
History

Original text in English
To the International Anarchist Movement: Three Security Proposals
No Trace Project

Tagalog translation
Bandilang Itim
bandilangitim.xyz

Ang nilalaman ng sulating ito ay para sa lahat ng kilusang anarkista sa mundo (o international anarchist movement), kung saan napapabilang ang lahat ng taong ipinaglalaban ang mga ideyang nakapaloob sa anarkismo. Natural na makakasagupa ng kilusang ito ang mga dati nang kaaway — ang Estado, mga grupo ng mga pasista, atbp. — at kinakailangan nitong protektahan ang sarili kung nais nitong magpatuloy sa pakikipaglaban. Sa sulating ito, mayroon kaming tatlong panukala o proposal para sa international anarchist movement na isaalang-alang sa mga susunod na taon upang maipagpatuloy ang pakikibaka nang hindi hinuhuli o inaaresto.

1. Ibahagi ang kaalaman sa mga kasama sa kahit saang parte ng mundo

Ang mga kaaway natin ay nagkakampihan at nag-oorganisa sa gamit ng pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pulisya at mga intelligence community, at pakikibahagi ng mga bagong development sa agham at teknolohiya. Halimbawa na lang dito ang pagtaas ng katiyakan o precision ng DNA forensics at ang pagdami ng mga drone. Ibig sabihin, ang isang mapang-aping pamamaraan na ginagamit sa isang bansa ay maaari ring lumitaw sa isa pang bansa kung saan hindi pa ito ginagamit. Nangangahulugan din ito na ang isang mabisang pamamaraan na ginagamit ng mga anarkista sa isang bansa ay maaari ring maging mabisa sa ibang bansa. Samakatuwid, dapat nating ibahagi ang kaalaman tungkol sa mga mapang-aping pamamaraan at maging ang mga pamamaraan sa kontra dito sa mga kakampi natin sa ibang bansa.

Sa abot ng makakaya, ang anumang karanasan ng pang-aapi o pag-eksperimento sa mga pamamaraan ng paglaban na maaaring mapakinabangan ng ibang mga anarkista ay dapat isulat, isalin sa maraming wika, at ilathala para sa publiko. Kapag inaresto ang mga anarkista at dinala sa korte, kadalasang nakakakuha tayo ng mga dokumento sa korte na nagpapakita kung paano sila nahuli: dapat nating samantalahin ito at maglathala ng mga pagsusuri ng mga naturang dokumento, habang isinasaisip na ang impormasyong nakuha ay maaaring hindi kumpleto o nabaluktot na. Dapat tayong mag-eksperimento ng mga bagong pamamaraan ng paglaban at isulat ang mga natutuhan natin sa mga eksperimentong ito, maliban na lang kung maaaring mapakinabangan ito ng Estado. Dapat nating subukang mangolekta ng impormasyon mula sa source: magbasa ng mga manual tungkol sa police training, kumuha ng ng mga file ng pulisya, at suriin ang mga data leak mula sa mga server na gamit nila.

Isang katangian ng international anarchist movement ang decentralization, o kawalan ng iisang lider o sentro. Nakikita natin ito hindi bilang kahinaan kundi bilang lakas: dahil lahat ng ating kasama ay itinuturing nating kapantay, mahihirapan ang ating mga kaaway na “patumbahin” ang isang organisasyong walang hierarchy. Gayunpaman, dahil rin sa desentralisasyong ito, hindi rin madali ang magpalaganap ng kaalaman sa iba't ibang bansa. Upang malampasan ito, may posibleng dalawang opsyon: ang pagbuo ng mga impormal na ugnayan sa iba pang mga anarkista sa pamamagitan ng pagkikita-kita sa mga international book fair at iba pang mga kaganapan, at siyempre ang paggamit ng internet. Inirerekomenda namin ang No Trace Project bilang isang internasyonal na platform upang ibahagi ang kaalaman sa Internet, hindi para palitan ang mga nabuo o mabubuo palang ugnayan kundi bilang isang kapaki-pakinabang na pandagdag para maipalaganap ang impormasyon.

2. Magtalaga ng “security baseline”

Ang mga anarkistang “kikilos” ay dapat alamin ang mga panganib na maaaring maiugnay sa kanila at mag-iingat palagi. Halimbawa, magusot ng mga damit na walang ibang pagkakakilanlan (walang kakakaibang print), maging maingat sa video surveillance at mga bakas ng DNA na maaaring maiwan, at iba pa. Gayunpaman, hindi ito sapat. Kung ang mga umaaksyon lang ang nag-iingat, mas madali para sa ating mga kaaway na i-target ang mga indibidwal na ito. Una, dahil sila ay naiiba — kung iilan lang sa mga kasama natin ang palaging nag-iiwan ng kanilang mga phone sa bahay, maaari itong maging isang clue para sa isang imbestigasyon na walang iba pang tiyak na lead. Pangalawa, maaari pa ring makakakuha ng impormasyon ang ating mga kaaway sa pamamagitan ng mga kaibigan na hindi nagsasagawa ng aksyon. Halimbawa, kung iniwan mo ang iyong telepono sa bahay ngunit madalas kang lumalabas kasama ang mga kaibigan na may dala ng kanilang mga telepono, maaaring subaybayan ng isang imbestigasyon ang mga telepono ng iyong mga kaibigan upang makakuha ng impormasyon tungkol sa iyo. Kaya naman mahalaga ang isang security baseline na sinasang-ayunan ng lahat sa mga network ng anarkista, kabilang ang mga hindi pa nagsasagawa ng mga direct action at walang intensyon na gawin ito.

Hindi namin masasabi kung ano ang karapat-dapat na baseline dahil dumidepende ito sa lokal na konteksto, pero mayroon kaming mga naiisip na pwede naming ibahagi sa inyo. Sa tingin namin na kahit papaano, kailangan lahat tayo ay tumutulong sa paglihim ng impormasyon sa mga kalaban natin sa pamamagitan ng hindi pag-aakala kung sino-sino ang mga sumali sa isang kilusan, hindi pinagmamayabang sa ibang tao ang sariling nating mga kilos, at ang pag-encrypt (sa pamamagitan ng matibay na password) ng kahit-anumang computer o phone na ginagamit sa pagusap sa iba pang mga anarkista. Ang mga sensitibong usapan ay dapat din gawin sa labas, at wala dapat dalang electronic na kagamitan. Huwag mong ipa-halata sa iba na may pinaguusapan din kayong sensitibo (halimbawa, huwag mong sabihin sa kompanyero mo na “gusto mong lumak-lakad muna sa labas?” sa harap ng ibang tao na hindi naman kabilang sa proyekto niyo). At isa pa, tingin namin makakabuti sa atin kung tumigil tayo sa paggamit ng social media (at lalong-lalo na, hindi dapat tayo nagpo-post ng litrato ng ibang anarkista kahit may paalam tayo dahil pwedeng matuklasan ng Estado ang mga kaugnayan natin) at dapat palaging iwan ang mga phone sa bahay (at hindi lang tuwing may kilusan). Maaapektuhan ang seguridad ng mga kompanyero mo kapag may dala-dala kang phone.

Mahirap talagang makumbinse at mapapaniwala na mahalga para sa lahat ang magkaroon ng security baseline, lalo na kung wala talagang interes ang ilan sa mga kasama natin sa mga ganitong bagay. Kung sakali mang nagdadalawang isip ang mga kasama natin sa ganito, pwede natin silang paalalahanan na hindi lang naman ang kapakanan at seguridad nila ang nakasalalay dito, ngunit pati na rin ang seguridad ng iba pang mga kasamang anarkista na maaaring may pinaplanong pagkilos at aksyon. Lahat nang may kagustuhang mayroong mangyaring pagkilos ay dapat may pakialam na pahirapan ang estado at mga awtoridad na sa pagsupil sa mga anarkista.

3. Surrin ang lahat nang bagong matatanaw

Habang lumilipas ang oras, mas umuunlad ang mga paraan at estratehiya ng mga kalaban natin. Dapat nating paghandaan ang mga digmaan sa kinabukasan at hindi ang mga digmaan ng nakaraan. Dahil doon, kailangan natin ipagpatuloy at laktawan ang mga pamamaraan natin sa ating seguridad, abangan kung paano uunlad ng mga kalaban natin, at pagisipan ang dapat nating mga pangontra.

Ito ang tatlong suliranin natin na kailangan pagisipan ng mga taong kabilang sa pandaigdigang kilusang anarkista.

Ang mga drone

Pamura ng pamura ang presyo ng mga drone na sumusunod sa bawat kilos natin mula sa ere. Ano'ng dapat nating gawin tuwing may mga drone sa iba't-ibang mga anarkistang kaganapan at kilusan? Paano natin sila matutuklasan o pababagsakin? Kailangan ba natin paghandaan ang posibleng pag-patrol ng mga drone sa ating mga lungsod? At paano natin gagawin 'yon?

Teknolohiya na nakakakilala ng mukha

Noong 2023, natuklasan ng isang mamamahayag ang makakaliwang militanteng Aleman na si Daniela Klette. Kahit ilang dekada na siya nagtatago, nakilala siya ng facial recognition kahit may edad na siya. Ginamit nila ang kasulukuyang letrato niya sa Facebook na nakuha habang nagaaral siyang sumayaw. Ano'ng gagawin natin sa bantang ito? Paano natin paghahandaan ang pagdadagdag ng facial recognition sa bawat kanto ng ating lungsod?

Nakatago ang kilos ng mga pulis

Noong nakaraan, radio scanner ang gamit ng mga anarkista para pakinggan ang galaw ng mga pulis. Halimbawa, pwede nilang pakinggan ang mga pulis habang nasa gitna sila ng isang kilusan. Karaniwan, imposible na 'to ngayon dahil encrypted na ang paguusap ng pulis sa isa't-isa. Ano ang pwede nating kapalit sa mga radio scanner? Paano natin masusundan ang kilos ng mga pulis sa isang lugar?

Tungkol sa mga manunulat

Kami ang No Trace Project. Tatlong taon na kaming bumubuo ng mga kasangkapan para tulungan ang mga anarkista sa pagintindi ng kakayahan ng mga kalaban nila, pabagbagin ang mga paraan na sumusunod sa kanilang mga kilos, at sa samakatuwid, ang pagkilos nila habang hindi nahuhuli. Plano naming ipagpatuloy ito sa mga susunod na taon. Ipaalam niyo din kung ano ang tingin niyo sa amin. Bisitahin niyo ang website namin sa notrace.how, at kausapin niyo kami sa notrace@autistici.org.

Ito din ay mababasa sa anyo ng zine.

Ihanda natin ang ating sarili, at sana mabiyayaan tayo ng kapalaran.